The Philippine Eagle

Ang Philippine Eagle o “Haring Ibon” (Pithecophaga jefferyi):

Ang ating pambansang ibon ay ang Philippine Eagle o mas kilala sa tawag na Haring Ibon. Ayon sa ilang mga dalubhasa, ito ang itinuturing na pinaka malaking agila sa buong daigdig (tinatayang haba: mula 80 hanggang 112 cm.)  Ito ay likas na matatagpuan sa mga natitirang kagubatan sa Luzon, Samar, Leyte at Mindanao.  Ang pinakamaraming bilang ng agila ay matatagpuan sa Mt. Apo at Mt. Kitanglad sa Mindanao na kung saan inaasahang aabot sa 200 pares ng nagsasamang agila.  6 na pares lang ang naitala sa Samar, dalaw sa Leyte at mangilan-ngilan sa Luzon.

lsgh_logo

Ang haring ibon ay monogamous kung kaya, pag natagpuan na nito ang kanyang kapareha, ang mga ito ay magsasama na panghabang buhay.  Ito ay nangingitlog isang beses kada dalawang taon.  Tinuturing bilang isang Endangered Species ang haring ibon.  Patuloy na bumababa ang bilang ng mga agila sanhi ng pagkasira ng mga kagubatan at polusyon. May mga hakbangin ang pamahalaan tungo sa pagligtas sa mga natitirang agila sa ating bayan sa pamamagitan ng Philippine Eagle Foundation na naka base sa Mindanao.

Mahalaga ang ating mga maliliit na sakripisyo at pagkilos--Lahat alang-alang sa ating pagmamahal sa Diyos!