Ang Tamaraw (Bubalus mindorensis)Bukod sa Haring Ibon, ang Tamaraw ay marahil magsisimbulo ng malawakang suliraning kinakaharap ng ating bayan sa usapin ng pagkawala at pagkaubon ng mga hayop sa kagubatan. Noong araw, nasa libo-libo ang bilang ng Tamaraw na matatagpuan sa Mindoro subalit sa kasalukuyang panahon, inaasahang kulang sa 300 na lamang ang bilang ng mga ito. Tinuturing bilang is sa pinaka critically endangered ang Tamaraw sa buong mundo.
Ang sanhi ng pagkaubos ng Tamaraw ay iniuugnay sa 1) pagka-karoon ng bakahan sa Mindoro noong 1900’s; 2) sakit na nag-dulot ng pagbaba ng populasyon ng Tamaraw; 3) ang laganap na pangangaso; at 4) ang malawakang pagkasira ng kagubatan sa Mindoro.
Umaabot sa 20-25 taon ang buhay ng isang Tamaraw. Ang pagbubuntis nito ay tumatagal ng mula 276-315 na araw. Nanganganak ang Tamaraw kada 2 taon. Matutulungan ng tao ang pagdami ng populasyon ng Tamaraw kung patuloy ang pangangalaga at maayos na pangangasiwa ng mga natitirang kagubatan sa Mindoro. (Haribon Foundation)
“Mahalaga ang ating mga maliliit na sakripisyo at pagkilos--Lahat alang-alang sa ating pagmamahal sa Diyos!”