Ang Rafflesia (o Uroy sa mga Taga Antique)ang itinuturing na pinakamalaking bulaklak sa buong mundo (naitala sa Guiness Book of World Records ay umaabot ng 36 na pulgada). Ang kakaibang laki at anyo nito ay natutumbasan din ng kakaibang amoy na maaring maihambing sa nabubulok na karne. Ito ay matatagpuan sa maraming bayan sa Timog-Silangang Asya kasama ang Pilipinas.
May 9 na subspecies ng Rafflesia ang matatagpuan sa Pilipinas. Ang mga ito ay matatagpuan sa Mt. Makiling sa Laguna, Mt. Isarog at Iriga sa Bicol, sa Antique, Panay, at sa Campostela Valley at Bukidnon sa Mindanao, Ang Uroy ay sensitibo at buhay nito ay nakasalalay sa maraming bagay at kondisyon kung kaya, anumang pagbaba sa antas ng kagubatan ay maaring makaapekto rito. Ang patuloy na pagkasira ng kagubatan ay magdudulot ng pagkawala ng mga maraming hayop at halaman kabilang na ang Uroy. (http://philippinerafflesia.wordpress.com/ at Haribon Foundation)
“Mahalaga ang ating mga maliliit na sakripisyo at pagkilos--Lahat alang-alang sa ating pagmamahal sa Diyos!”